Lumang istilo o pamamaraan ng pag alaga ng sanggol, paggagamot at iba pa.


Pagpapaligo Ng Sanggol

Lumang paraan ng panggagamot ngunit mabisa hanggang ngayon
 


Katuturan: 
Pagpapaligo upang luminis at maginhawahan ang sanggol.

Mga Palatandaan:
1.Mga bagong panganak na sanggol na tuyo at magaling na ang pusod.
2. Malulusog na sanggol hanggang (1) isang taon gulang.
3. Lalong higit na nakabubutipaliguan ang sanggol sa takdang oras araw-araw, bago pasusuhin sa tanghali.

Mga Kailangan:
1. Palangganang paliguang may maligamgam na tubig (98-100° F).
2 Malambot na pamunas o kamiseta.
3. Isang tuwalyang pampatuyo.
4. Isang malaking tuwalyang pambalot sa sanggol.
5. Damit ng bata at mga lampin,
6. Dalawang perdible.
7.  Sabong pampaligo ng sanggol.
8. Pulbos ng bata, losyon o langis.
9. Binibilog na bulak ng nakalagay sa boteng may takip.
10. Malamog na tubig, (isang tabo) upang tapusin ang pagpapaligo.

Mga Bisa:
1. Luminis.
2. Nakakapagpaginhawa.
3. Nakakapagpapaantok na epekto.

Pamamaraan:
1. Punuin ang palanggan hanggang sa dalawa't ikatlong bahagi (2-3) ng maligamgam ng tubig.(98-100° F). Tantiyahin ang init ng tubig sa pamamagitan ng iyong siko. Kailangang tama ang init ng tubig.  Maghanda ng isang tabong malamig ng tubig.
2. Tipunin lahat ang mga bagay ng kailangan sa mesa om lapag. Kailangang nakasara ang mga bintana. Ilatag ang malapad na tuwalya sa mesang malapit sa tubig na mainit.
3. Ilagay ang sanggol sa tuwalya at alisin ang damit o lampin.
4. Balutin ang katawan ng sanggol sa tuwalya at linisin sa pamamagitan ng basang kamiseta sa mainit na tubig. Tuyuin ang mukha, leeg at mga tainga ng malambot na tuwalya. Wag ssabunin ang mukha ng bata.
5. Hawakan ang sanggol ng iyong kaliwang bisig kung kayo'y kanan at alalayan ng kamay ang ulo ng sanggol. Ilagay ang iyong hinlalaki at gitnang daliri sa magkabilang tainga. Sabunin ang ulo ng sanggol ng nakaangat sa palanggana ng tubig.
6. Alisin ang tuwalya at ilubog ang sanggol sa tubig. Ingatan ang paghawak sa pamamagitan ng pag-aalalay sa bahagi ng katawan ng malapit sa kili-kili, habang salusalo ang ulo ng sanggol ng iyong palad.
7. Sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, sabunin at banlawang mabuti ang katawan ng sanggol, mga paa, at mga kamay.
8. Linisan ang mga pag-aari. Kung ang sanggol ay babae, banayad na hagurin ng kamiseta ang pagitan ng pag-aari nito, at tapusin sa pamamagitan ng binilot na bulak. Kungang sanggol ay lalaki, linisan sa pamamagitan ng binasa sa mainit ng tubig ng bulak.
9. Sa pagtatapos ng pagpapaligo, banayad na itaas mula sa tubig ang sanggol.
10. Patuyuing mabuti ang katawan, lalo na ang mga gatla at lupi ng balat.
11. Pulbosan ang sanggol pagkatuyo. Bihisan ng malinis na damit at lampin. Pasusuhin ng gatas o bigyan ng katas ng kalamansi.

Pag-iingat
*Kung may mga dumi ang sanggol sa anit, pahiran ito ng baby oil pagkatapos, Patuyuin maigi ang buhok at hayaan sa buong magdamag. Banlawang mabuti ang buhok ng sanggol bago pahiran ng langis na pambata.
*Bigyan ng kaukulang pansin ang paglilinis s mga gatla sa balat ng sanggol. Kung ang sanggol ay malusog, higit na maraming mga lupi at gatla ang kailangang linisin.






Mainit Na Pagbabanyos o Pagpupunas sa Pasyente

Katuturan:
Ang pagbabanyos ng init sa lugar na may kapansanan sa pamamagitan ng mainit na tea o gasa.
Mga Palatandaan:
1.     Sugat na may impeksiyon.
2.     2. Pigsa at pamamaga.
3.     3. Namamagang  bahagi sa maseselang parte ng katawan tulad ng mata, tainga, atbp.
4.     4 Pilay, pagkaumpog at pamamanhid pagkatapos ng 24 oras matapos masaktan.
5.     Nananakit na mga bahagi ng katawan.

Mga Kailangan:
1.     Isang palangganang mainit na tubig (104%) o hanggang sa init na matatagalan ng may sakit.
2.     Gasa o piraso ng telang maaaring ipagdampi.
3.     Maaaring gumamit ng pinakulong dahoon ng bayabas sa mga sugat ng may impeksyon.
4.     Lumang diyaryo o gamit na benda.
5.     Baby oil, o krema. (gamitin lamang kung ang lulunasan ay ang mata.)
Mga Bisa:
1.     Pinabibilis ang sirkulasyon ng dugo sa lugar ng nilulunasan.
2.     Tinatanggal ang pananakit.
3.     Tinatanggal ang paninikip.

Pamamaraan:
1.     Pakuluan ang dahoon ng bayabas sa tubig kung ang lulunasan ay sugat na may impeksyon.
2.     Pahiran ng Baby Oil ang talukap ng mata kung ang babanyusan ay ang mata.
3.     Ilubog ang telang ipambabanyos sa mainit na tubig o solusyon ng dahoon ng bayabas. Pilipitin ng bahagya habang itinutupi ang magkabilang dulo upang maalis ang labis na tubig.
4.     Banayad na idampi ang telang pambanyos sa lugar na lulunasan.
5.     Ang pambanyos ay kailangang palitan tuwing 3 minuto. Pagpatuloy ang pagbabanyos 15-20 minuto.

Pag-iingat
* Sa pagtatapos ng pagbabanyos, alisin ang pambanyos at tuyuin ang lugar na binanyusan
* Pahiran ng gamut na ipinayo ng inyong manggagamot kung may impeksiyon ang sugat.



Malamig Na Pagbabanyos


Katuturan:
Isang tuwalyang itinubog sa tubig ng may yelong maaaring idampi sa anumang bahagi ng katawan ng may sakit.

Mga Palatandaan:
1. Matinding pananakit bunga ng gasgas, pagkatapos ng pagkakasakit o pagkakapinsala.
2. Pananakit ng ulo.
3. Mga pagdurugo.
4. Lagnat at kombulsyon ng mga bata.
5. Pagdurugo ng ilong.


Mga Kailangan:
1. Malinis na piraso ng damit o tuwalyang akma sa laki ng lugar ng panggagamitan. Para sa kumbulsyon gumamit ng tuwalyang pampaligo.
2. Isang palangganang tubig na may yelo. Punuin sa dalawa't ikatlong bahagi (2/3).
3. Isang malaking tuwalya.

Mga Bisa:
1. Tinatanggal ang pananakit bunga ng pamamanas o trauma.
2. Sinusugpo ang pananakit ng ulo.
3. Pinababagal ang mabilis na pagtibok ng puso kapag ginagamit sa tapat nito.
4. Pinauurong ang mga ugat, ng nagiging sanhi ng mabagal na sirkulasyon ng dugo.
5. Sinusugpo ang pagdurugo.
6. Pinabababa ang temperatura ng katawan kapag ginagamit sa humigit-kumulang sa ikaapat na bahagi ng katawan.

Pamamaraan:
1. Pilipitin ang damit mula sa malamig na tubig. Tiyakin hindi ito tumutulo.
2. Idampi sa lugar na lulunasan.
3. Palitan o ulitin ang pagdadampi tuwing 2-3 minuto.
4. Oras ng paggagamot: Para sa nakapagpapaginhawang epekto, 20-30 minuto. Para sa nilalagnat, Ipagpatuloy hangga't may lagnat.

Pag-iingat
* Sa pananakit ng ulo, huwag gamitin sa noo kung ang sakit ng ulo ay bunga ng 
 sinusitis.




Pagmumumog Ng May Asin



Katuturan:
Pagmumumog ng tubig na may asin.

Mga Palatandaan:

1. Gasgas na lalamunan.
2. Tuyong Pag-ubo o pangangati ng lalamunan.
3. Tonsilitis.
4. Pharyngitis at laryngitis.
5. Pamamaga ng lalamunan


Mga Kailangan:
1. Dalawang basong mainit na tubig.
2. Isang kutsaritang asin, kalahaitng kutsarita sa isang basong tubig.
3. Isang kutsarita.

Mga Bisa:
1. Sinusugpo ng paninikip ng lalamunan.
2. Pinagiginhawa ang mga kalamnan sa lalamunan.
3. Binabawasan ang pamamaga.
4. Sinusugpo ang ang pangangati ng lalamunan.
5. Pinagiginhawa ang lalamunan.


Pamamaraan:
1. Lagyan ng kalahating kutsaritang asin ang isang basong mainit na tubig. Haluin ng kutsarita hanggang sa matunaw.
2. Kailangang gawin ang pagmumumog sa lababo.
3. Kapag malala ang kapansanan ng lalamunan na may kasamang pamamalat, maaaring ulitin ang pagmumumog sa pagkaraan ng dalawang oras kung gising.
4. Mas mabuting gawin ang pagmumumog pagkatapos kumain.
5. Para sa mas epektibong resulta, huwag iinom ng may yelong tubig o inumin hanggang hindi umiigi ang lalamunan.


Pag-iingat
*Ang temperatura ng na-imumumog na tubig ay kailangan hanggang sa matatagalang init. Kapag malala ang kapansananng lalamunan na may makasasamang pamamalat, maaaring ulitin ang pagmumumog pagkaraan ng dalawang oras kung gising.






No comments:

Post a Comment